Thursday, May 28, 2009

Tapos


Saglit lang naman
Bakit siya lumisan?
Hindi man lang ako pinagbigyan
Ako'y manghingi
Ng kanyang patawad
Damdamin ko sana ay pakinggan

Sa gabi, luha ay kay pait
Isip ay pagod bawat saglit
Ito ba'y sumpa ko magpakailanman?

Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo

Tamis ng hinga
Hindi malimutan
Pati kanyang daldal sa magdamag
Mga bagay na
Ayaw pag-usapan
Kami'y tahimik na naghiwalay

Sa gabi, luha ay kay pait
Isip ay pagod bawat saglit
Ito ba'y sumpa ko magpakailanman?

Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo


Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo


Tahimik man ako, puso'y nagtatanong
Bakit hindi ka pa magbalik sa kanya
Bumalik ka na sa kanya

Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo


Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo

O, magbati na tayo

O, magbati na tayo
O, magbati na tayo...

Salin ng "Won't Go Home Without You" ng Maroon 5

No comments:

Post a Comment