Showing posts with label song translation. Show all posts
Showing posts with label song translation. Show all posts

Thursday, May 28, 2009

Tapos


Saglit lang naman
Bakit siya lumisan?
Hindi man lang ako pinagbigyan
Ako'y manghingi
Ng kanyang patawad
Damdamin ko sana ay pakinggan

Sa gabi, luha ay kay pait
Isip ay pagod bawat saglit
Ito ba'y sumpa ko magpakailanman?

Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo

Tamis ng hinga
Hindi malimutan
Pati kanyang daldal sa magdamag
Mga bagay na
Ayaw pag-usapan
Kami'y tahimik na naghiwalay

Sa gabi, luha ay kay pait
Isip ay pagod bawat saglit
Ito ba'y sumpa ko magpakailanman?

Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo


Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo


Tahimik man ako, puso'y nagtatanong
Bakit hindi ka pa magbalik sa kanya
Bumalik ka na sa kanya

Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo


Ito nga ba'y tapos?
Ako sana ay patawarin mo
At kay liwanag ng gabi
O, magbati na tayo

O, magbati na tayo

O, magbati na tayo
O, magbati na tayo...

Salin ng "Won't Go Home Without You" ng Maroon 5

Faye


Binibini, 'gandang dalaga
May kaunting problema
Nais ko na siya'y matulungan
Naririyan kanyang sinta

Tumungo sa malayo para makapiling
Hanggang ngayon, aking uhaw 'di pa napapawi

Ayos lang na ibigin kita
Sa gitna ng malakas na ulan
Hanapin lang ang iyong ngiti
Na kay lungkot, huwag kang paghintayin

At mahalin ka
At mahalin ka

Kapag nariyan ka
Ang kagandahan
Ay nais kong madama mo
Nababahala tuwing minsan ako
Huwag mo nang isipin 'yon

'Di laging ginhawa't madali
Magkasundo kayo, giliw ko
At kung saklolo'y iyong kailangan
Bukas ang pinto sa tuwina

Ayos lang na ibigin kita
Sa gitna ng malakas na ulan
Hanapin lang ang iyong ngiti
Na kay lungkot, huwag kang paghintayin

At mahalin ka
At mahalin ka
At mahalin ka
At mahalin ka

Huwag mong itago
Huwag nang malungkot
Hindi ka ganyan, magpakatotoo
At bakit pa ba ka'y nagpaalam?
Hihintayin ko kailanman pagbalik mo

Kapag nariyan ka
Ang kagandahan
Ay nais kong madama mo


Ayos lang na ibigin kita
Sa gitna ng malakas na ulan
Hanapin lang ang iyong ngiti
Na kay lungkot, huwag kang paghintayin

At mahalin ka
At mahalin ka

Huwag na sanang magpapaalam
Huwag na sanang magpapaalam
Huwag na sanang magpapaalam...

Salin ng "She Will Be Loved" ng Maroon 5